Hindi abuloy ang kailangan ni Juan dela Cruz tulad ng 20 pesos na umento sa arawang sahod ng kapwa niyang manggagawa, ang kailangan niya ay isang kongkretong aksyon mula sa pamahalaan para sagutin ang araw araw nilang pangangailangan. Kung ang mga employer ay nahihirapan sa karagdagang sahod sa mga tauhan nito at maaaring madala pa sa termination ng ilang employee. Bakit hindi gawin ng pangulo na direktang ayusin na ang suliranin ng price inflation , noon pa nagbigay ng suggestion ang World Bank patungkol sa price regulation bakit hanggang ngayon bingi pa rin ang pamahalaan, sinasadya ba nitong pahirapan si Juan dela Cruz para patuloy pagtakpan ang mga issue na dapat sagutin ng pangulo. Nangangamoy scape goat na naman lalo na ngayong umaalingasaw ang issue ng ZTE NBN Scandal. Naloko na ang Pinoy wag na sanang gaguhin pa dahil ang tao kapag nagutom mas titindi ang galit nito at nagiging marahas pa. Nasaan na ang pangakong pagkain sa bawat plato? Naanod na ba kasama ng bangkang papel sa Ilog Pasig kasama ng mga basurang umaalingasaw sa pamahalaan?
From my
Blog
You need to be a member of Republic of Pundits to add comments!
Join this Ning Network